Monday, November 5, 2012

The Classic Mode

Homaygas! Tumatayo ang aking mga balahibo sa kung saan-saan. Nakakapanindig balahibo talaga. Wala na man akong nakitang nakakatakot. Kung sabagay, mag-isa lang ako dito ngayon. Habang nagtatype kasi ako dito, eh background music ko naman tong sina Bach, Chopin, Beethoven at Mozart. Ano kayang meron sa kamay ng mga to eh kung makatugtog ng piano, eh parang abot hanggang buto yung epekto ng nalilikha nila. Para akong kinikilig to the bones! Naisip ko din, ano kayang pinapakain ng mga magulang nila dati at naging genius sila sa music. Sa katulad kong walang katale- talento, eh nganga na lang?

Pramis! Kung may time kayo at gusto nyo ng kalma lang at soothing, eh pakinggan nyo 'tong mga taong to. Maiinspire kayo at ipagpipilitan nyo ang sarili nyo sa music kahit na ayaw ng music sa inyo.  Classical music ika nga. Tapos, sasabihin ng iba na makaluma. eh, anong gusto nyo? Justin Bieber? at ang pag-iingay ni Pitbull? Oh! C'mon!

Taympers muna. Nagpapraktis kasi ako ngayon magpiano. I feel like I'm a music genius minus the piano. Mesa lang. Choss lang. May music na man eh, pwede na yun.




No comments:

Post a Comment