Thursday, November 8, 2012

The 90's Faves and Guilty Pleasures

Heleke! Nung makita ko ang mga pictures ng mga eto, naalala ko na lang ang aking childhood. Ibig sabihin tumatanda na talaga ako. Dalawang dekada na pala akong nageexist dito sa earth. May nabasa pa nga ako na kapag pinagmamalaki mo raw ang henerasyon nyo nung bata pa kayo, ibigsabihin tumatanda ka na. Naku naman. Nung mga panahon na may application pa na tintawag na "OUTSIDE". Ang mga ibang bata ngayon halos hindi na nasisikatan ng araw, sa maghapong pagtitig sa computer, ipad, cellphone at kung anu-ano pang gadgets. Namiss ko na lang nung 90's. Yung mga laro, ang mga shows, ang mga pagkain. Bien epic!

Mag-umpisa tayo sa palabas tuwing umaga. Naalala nyo pa ba ang Sineskwela, Mathinik, Epol Apol, Hiraya Manawari at Bayani? Pinapalabas na lang yan sa Knowledge Channel ngayon. Yung Sineskewla at Mathinik nasa Studio 23 tuwing umaga. Hindi talaga mawawala ang mga cartoons at anime tuwing umaga. Masaya lalo na pag holiday at walang pasok, makakapanood ako neto. Naalala nyo pa ba to:


Sikat to eh. Ginawan pa nga to ng pelikula, at may kanta pa na sikat dati sa mga bata. Si Sarah ang Munting Prinsesa. Si Lavinia na ingettera. Si Lotty na iyakin. Ermengarde antukin,. Miss Amelia takot sa pusa, Miss Minchin mukhang pera. Mga bata nga naman. Creative.



Et pang isa, bago lang to eh. Medyo malaki na ako nito, mga grade 5 ata. Si Julio at Julia: Kambal ng Tadhana. Naalala ko pa na memorize ko yung opening song nila dati. Natatawa na lang ako kung naiisip ko yun. The lyrics goes like this: Kapag umikot na ang mundo, iikot din ang buhay ng tao, May saya at mayroong dusa. Kapg tao'y nakikibaka. Si Julio at Juliaaaa, kambal ng Tadhanaaaaa, Di susuko, sa pagsubok! Olright!!! 


Naku! Judy Abbot at Daddy Long Legs. Inis na inis ako sa tambalang 'to. Pano naman daddy nya yun eh. Kainis! Nakakainis pa yung buhok nya, paano kaya yan gawin ang ganyang hairstyle? parang may sariling buhay. Ang gusto ko dyan ay si Julia Pendelton, yung sosyal na blonde. At si Sally Mcbride yung naka antipara.

Madami pa akong kinagigiliwan pannorin dati. Hindi ko 'to maubos sa isang post. Till my next binkies! :) 

No comments:

Post a Comment